Bagong sama ng panahon namataan sa Silangang Mindanao

HINDI pa man nakalalabas sa teritoryo ng bansa ang bagyong Dindo ay binabantayan ngayon ng PAGASA ang panibagong sama ng panahon na namataan sa may Micronesia o sa Silangan ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Nathaniel Servando, malayo pa ang nasabing low pressure area ngunit inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility sa Linggo.

Sinabi naman ni weather forecaster Robert Sawi, na mas mapanganib ang naturang sama ng panahon dahil malaki ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan.

Tatawagin itong “Enteng” sa oras na maging ganap na bagyo at tuluyang makapasok sa teritoryo ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply