Bagong talent ni Direk Maryo J pambato ng Pinas sa karatedo

ISANG sportsman ang bagong talent ngayon ni Direk Maryo J. delos Reyes, si Xyrus Cruz, 19, na tubong Zamboanga City. Una palang pagkakita ni Direk Maryo kay Xyrus, humanga agad ang award-winning at top rating director ng GMA-7 dahil bukod sa mestizo look nito, karangalan pa ng Pilipinas ang talent nito sa karatedo.

Katatapos lang makakuha ng gold sa larong karatedo ni Xyrus sa POC-PSC National Games 2012 na ginanap sa Dumaguete City (May 26-May 28). Sa ngayon ay kinuha na si Xyrus bilang isa sa members ng Philippine Team sa karatedo na magku-compete sa abroad.

Recently, pinagworkshop na ito ni Direk Maryo J sa PETA. kung saan nagkaroon siya ng culminating stage play last May 19.

Kinukonsider ni Direk Maryo J na si Xyrus ay susunod sa yapak ng mga kilalang athlete na pumasok sa showbiz noon na tulad nina Monsour del Rosario na nanalo sa Asian Games nang kapanahunan nito sa larong taekwondo, at kay Francis Arnaiz na naging magaling na actor at naging leading-man ni Vilma Santos noon at nakilala naman sa larong basketball.

Sa ngayon, sa tikas ni Xyrus, puede siyang ihanay kay Phil Younghusband na sikat ngayong celebrity sa football.

000

Alden Richards, na-take 3 sa unang kissing scene nila ni Louise delos Reyes

NATAWA lang si Alden Richards nang sabihin ng press na parang sinadya niyang ma-take 3 ang unang kissing scene nila ni Louise delos Reyes na naganap sa soap na “My Beloved.”

Kasi, sa unang pagtatambal nila ni Louise sa “Alakdana,” hindi nagkaroon ng pagkakataon si Alden na makipag-kissing scenes dito. ‘Di pumayag si Direk Mac Alejandre na magkaroon sila ng kissing scene dahil ‘di raw bagay pa sa kanilang edad.

Bilang lalaki, s’yempre raw ay nanghinayang si Alden pero ngayong magkasama na naman sila sa bagong soap ng GMA-7, ang “One True Love,” inaasahan ni Alden na mas maraming kissing scenes ang magaganap sa kanila. ‘Di na raw mati-take 3 dahil mature na sila pareho ni Louise.

Nang nakausap namin si Louise, nasabi ng dalaga na never pa siyang nagka-boyfriend. Si Enzo Pineda na nali-link sa kanya ay super close lang silang dalawa ngayon. Wala pa raw silang pormal na relasyon at hanggang friendship lang daw.

How true?

Sa One True Love, ang takbo ng istorya ng pag-iibigan nina Alden at Louise ay parang Romeo and Juliet. Ayaw ng parents ng babae kay lalaki.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply