Bagyong ‘Ambo’ humahataw na

PATULOY sa pagtahak sa direksyong timog-kanluran ang bagyong “Ambo” na huling namataan sa layong 220 kilometer sa hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Kumikilos ang bagyo ng pahilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Nananatiling nakataas ang signal number 1 sa lalawigan ng Catanduanes na nagdulot ng pagkabalam ng mga biyahe partikular sa mga pantalan sa Albay.

Posible ring paiigtingin ng bagyo ang epekto ng Southwest Monsoon na siya namang nagdadala ng mga pag-ulan sa western section ng Southern Luzon at Visayas.

Muli namang nagpaalala ang mga awtoridad sa posibilidad ng mga pagbaha at lanslides sa mga apektadong lugar.

Nauna rito, iniulat ng Albay Coast Guard na nasa 280 pasahero ang istranded sa Albay kaninang alas-otso ng umaga matapos na pigilang bumiyahe ang anim na trak, apat na kotse, dalawang bus at tatlong sasakyang pandagat.

Sa Catanduanes, 50 pasahero ang istranded gayundin ang apat na sasakyang pandagat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply