Bagyong Ambo lumakas, 5 lalawigan sa hilagang Luzon nakataas sa signal number 1

LUMAKAS ang bagyong Ambo habang nakataas sa warning signal number 1 ang ilang lalawigan sa hilagang Luzon kaninang umaga Mayo 2, 2012 (Sabado) ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa Pagasa nakataas ang babala ng signal number 1 sa mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Cagayan, Babuyan Island at Batanes Group of Islands.

Sinabi pa ng Pagasa na namataan ang bagyong Ambo dakong 10:00 ng umaga kanina sa layong 200 kilometro ng Silangan Hilagang Silangan ng Casiguran Aurora.

Si Ambo ay may lakas ng hangin na 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito at may bugso ng hangin na 100 kilometro bawat oras.

Sinabi pa ng Pagasa na si Ambo ay kumikilos patungo sa direksyon ng Hilaga Hilagangkanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Si Ambo ay inaasahan nasa 240 kilometro ng Hilagasilangan ng Aparri, Cagayan bukas ng umaga (Linggo).

At sa Lunes inaasahan ang bagyong Ambo ay nasa 350 kilometro ng Hilagasilangan ng BAsco< Batanes. AT sa Martes  ng umaga inaasahan itong nasa 680 kilometro ng Hilagasilangan ng Basco, Batanes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply