Bagyong Butchoy lumakas habang papalabas ng bansa

LUMAKAS ang bagyong Butchoy habang papalabas ito ng Philippine area of responsibility, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang mata ng bagyong Butchoy sa layong 490 kilometro ng silangan hilagasilangan ng Casiguran,Aurora.

Sinabi ni Romy Cajulis weather observer ng PAGASA namataan ang bagyong Buthcoy dakong 10:00 ng umaga kanina na may lakas ng hangin na 185 kilometro bawat oras at bugso ng hangin na 220 kilometro bawat oras.

Ayon kay Cajulis kumikilos si Buthcoy sa direksyon ng silangan hilagangsilangan ng Casiguran,Aurora.

Inaasahan ang bagyong Butchoy ay palabas na ng Philippine area sa bukas Martes ng umaga.

Bunga nito, magdadala ng kalat-kalat ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas habang ang Mindanao ay magiging maulap ang papawirin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply