Bagyong ‘Guchol’ lumakas pa

LUMAKAS pa at bumilis ang bagyong binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Sarvices Administration (PAGASA) na may international name na “Guchol.”

Mula sa 65 kilometro kada oras (kph) kagabi ay nasa 85 kph na ito na may pagbugsong 100 kph.

Bumilis rin ito mula sa 15 kph at pumapalo na 20 kph. Dahil dito, may posibilidad na mapaaga ang pagpasok nito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa oras na makapasok sa PAR ang bagyong Guchol ay tatawagin itong “Butchoy.”

Sa pagtataya ng PAGASA, nasa karagatan na ng ating bansa ang bagyo mamayang bandang hapon at posibleng maramdaman sa eastern section ng Luzon at Visayas bukas, Biyernes.

Samantala, patuloy na makaaapekto sa western section ng Luzon at Visayas ang Hanging Habagat at magiging maulap naman sa bahagi ng Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply