Bahay nasunog sa Caloocan; P200K naabo

NASUNOG ang isang bahay sa kanto ng Regal Lily at Mariposa Lily sa Lillies Ville sa Barangay 117 sa Camarin, Caloocan City, kagabi (Hunyo 6).

Sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Alexis Salvador.

Nabatid na walang tao sa bahay ni Salvador nang maganap ang sunog kaya’t iniimbestigahan pa ang sanhi nito.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng napinsalang mga ari-arian sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Gayunman, walang namatay o nasugatan sa nasabing sunog na idenekalarang fireout dakong 9:57 kagabi.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply