Bahay ng military asset, sinilaban ng mga NPA

SINILABAN ng mga pinaghihinalaang miyebro ng New Peoples Army (NPA) ang bahay ng isang military asset kaninang madaling araw sa barangay Casiclan, Las Nieves, Agusan del Norte.

Ayon kay Police Inspector Jessie Rey Gracia, hepe ng Las Nieves municipal police station, aabot sa 12 armadong NPA ang sumunog sa bahay ni Pepe Noybo dakong alas 2:30 ng madaling araw.

Ayon kay Garcia, nagkaton na wala sa kanilang bahay si Noybo at ang kanyang pamilya nang maganap ang panununog.

Hindi pa mabatid ang halaga ng pinsala habang patuloy ang hot pursuit operation ng military at PNP sa mga NPA.

Si Noybo ay dating leader ng NPA bago ito naging asset ng military na malaking posibilidad na ikinagalit ng kanyang dating mga kasamahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply