Balitang ‘di kanais-nais: Scenario sa BIR

ISANG scenario sa Bureau of Internal Revenue ang niluluto ng Malacanang na inaasahang maganap pagkatapos mailuklok sa puwesto ang susunod na bagong Chief Justice ng Korte Suprema bilang kapalit ng pinatalsik na Chief Justice Renato Corona.

Batay umano sa scenario, si BIR Commissioner Kim Henares ang gusto ni Pangulong Noynoy Aquino na maupong bagong mahistrado at kung sumablay ay bilang associate justice ng Supreme Court. Ang isa pang sinasabing nominado nito sa SC na si Justice Secretary Lilia Delima ay ipinoporma naman sa hanay ng official senatorial bet ng ruling Liberal Party sa 2013 mid-year national at local elections.

Binabanggit din sa scenario na diumano’y magaganap sa BIR na isang ‘Imelda Fernandez,’ sinasabing naging accountant ng pamilya Aquino ang papalit kay Henares bilang bagong BIR chief.

Sakali umanong tumanggi si Ms. Fernandez sa alok ni Pnoy na pamunuan ang BIR dahil sa umano’y may tinataglay itong kaunting karamdaman, ilan sa mga pinagpipilian ay sina incumbent BIR Deputy Commissioners Estela Sales, Nelson Aspe at senior BIR Makati regional director Nestor Valeroso. Sa tatlong nabanggit, maliban kay Ms. Fernandez na outsider, sina Sales, Aspe at Valeroso na pawang mga insiders ay pawang ‘de kalibre’ o kilalang mga tax experts sa larangan ng pagkulekta sa buwis.

Pero bago pa man umalis o lisanin ni Henares ang BIR, kamakailan ay isang major revamp sa hanay ng mga assistant regional directors sa buong kapuluan ang binalasa nito upang punan ang mga bakanteng posisyon.

Sinabi ng source na isusunod na ring balasahin ni Henares ang buong command ng 19 regional directors at 49 revenue district officers upang higit na palakasin ang tax collections ngRentas Internas para makuha ang napakataas na P1.006 trillion tax collection goal ngayong taxable year 2012.

Nais umano ni Henares na maipagpatuloy ng susunod na BIR chief ang napasimulan nitong kampanya laban sa graft and corruptions at laban sa mga erring at delinquent taxpayers.

Sinabi ng source na si dating Bicol Congresswoman Liwayway Vinzons Chato ang diumanog’y planong italaga ni Pnoy sa Department of Finance. Ito’y matapos pumutok na si Secretary Purisima ay planong ilipat  sa Department of Energy, habang si Energy Secretary Jose Almendas ay hihirangin naman diumano sa bagong itatatag na cabinet position na pamumunuan nito bilang head ng lahat ng mga cabinet secretaries.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply