Balasahan sa gabinete, itinanggi ng M’cañang

TIKOM ang bibig ng Malakanyang sa ulat na may napipintong balasahan sa hanay ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.

Inamin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala siyang impormasyon tungkol sa sinasabing balasahan sa gabinete lalo pa’t napaulat na nais ni Pangulong Aquino na bigyan ng posisyon sa gobyerno sina Senador Panfilo Lacson at Francis Pangilinan na kapuwa magtatapos ang termino sa 2013.

“(We have no) advice of any new appointment or new movements,” ayon kay Usec. Valte.

Napaulat na aalisin si Energy Secretary Jose Rene Almendras sa kanyang posisyon at ilalagay sa Presidential Management Staff.

Habang si dating Finance Undersecretary Emmanuel Bonoan naman ang papalit di umano sa iiwanang posisyon ni Almendras sa Department of Energy.

Samantala, hindi pa alam ni Pangulong Aquino kung saan niya ilalagay sina Lacson at Pangilinan sa gobyerno. Ang dalawang senador ay kapwa nagsilbi sa taumabyan ng dalawang termino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply