Balik-eskwela sa Lunes babagyuhin

BAGYO ang sasalubong sa unang araw ng pasukan sa Lunes, Hunyo 4, dahil sa bagyong Ambo, ito ang pahayag ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services  Administration.

Anila, Martes pa aalis sa Philippine area of responsibility ang sama ng panahon.

Ayon sa PAGASA, posibleng magkaroon ng landslide at flashflood sa Palawan, Mindoro, Marinduque, Antique, Aklan, Iloilo, Guimaras, Negros, Romblon, Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Batangas, Quezon, Aurora, Cavite, Bataan, Zambales, at Metro Manila.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio, tinatayang nasa 15 hanggang 25 mm kada oras ang kayang ibagsak ng Bagyong Ambo.

Katumbas ito ng tinatawag na heavy rains na natala noong kasagsagan ng mga bagyong Ondoy at Pedring.

Nagpaalala rin ang PAGASA sa mga mag-aaral na magdala ng kapote, payong at bota upang makaiwas sa mga sakit na dala ng pag-ulan.

Samantala, magsasanib-puwersa ang ilang ahensya ng pamahalaan para matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na magtutulong-tulong ang Philippine National Police (PNP), ang mga barangay kagawad, ang Department of Public Works and Highways, Metropolitan, Manila Development Authority, Department of Education at Commission on Higher Education sa hakbang na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply