Balikbayang nanalo sa sugal, nahulog sa silya

SA sobrang tuwa ng isang 45-anyos na babaing balikbayan, bumigay ang inuupuan niyang silya  matapos manalo sa slot machine sa loob ng isang casino kamakalawa sa Pasay City.

Kasalukuyan pang ino-obserbahan sa San Juan De Dios Hospital si Irene Robert, US citizen at pansamantalang nanunuluyan sa 90 Sikatuna St., Urduja Village, Caloocan city makaraang dumaing ng pananakit ng leeg at likod matapos mahulog sa swivel chair na kanyang inuupuan nang tumama ang kanyang taya sa slot machine sa Pagcor Midas Casino sa Roxas Boulevard dakong alas-10 ng umaga.

Sa pahayag ni Robert kay PO3 Giovanni Arcinue ng Investigation Division ng Pasay police, nagtungo siya, kasama ang kasintahang si Roderick Lotoc, 37 sa naturang casino upang maglibang at maglaro ng slot machine.

Napasandal umano ito sa inuupuang swivel chair dahil sa tuwa nang biglang magbigay ng malaking halaga ang kanyang taya sa nilalarong slot machine subalit natanggal umano ang turnilyo ng upuan kaya’t bumigay ito at tuluyan siyang bumagsak.

Napag-alaman na kaagad nagresponde ang medical team ng Midas Hotel sa nangyaring insidente bago isinugod sa naturang pagamutan ang balikbayan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply