‘Ban God Bill’ haharangin sa Kamara

HAHARANGIN ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang “Ban God Bill” ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino.

Ang panukala ay nagbabawal sa religious ceremony sa mga government office.

Sa inihaing House Bill 6330 o Religious Freedom in Government Offices Act ni Palatino, ipagbabawal ang pagkakaroon ng mga misa at katulad na seremonya at pagdidisplay ng mga religious symbols sa loob ng mga government office, kabilang na ang mga public space at corridors.

Sinabi ni Golez na ang panukalang ito ng kasamahang mambabatas ay ipinagbabawal sa batas.

“We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of the Almighty God, in order to build a just and humane society. The Constitution also provides for an oath of office for the President which ends with “So help me God,” ani Golez.

Maging ang seremonya para sa State of the Nation Address (SONA) ay inuumpisahan sa dasal.

Ayon kay Golez, ang University of the Philippines, Philippine Military Academy at marami pang state colleges at universities at maging ang lahat ng military camps ay mayroong chapel, gayundin ang AFP at Malacañang.

Halos lahat ng mga government facility, buildings, infrastructures, sasakyan, barko, eroplano ay binasbasan din ng religious leader ng pangunahing relihiyon sa bansa bilang bahagi ng pormal na turn-over ng pasilidad o kagamitan.

Kahit na balak na harangin ito, sinabi ni Golez na iginagalang niya ang paniniwala ng kasamahang mambabatas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply