Banal, nangakong iuuwi ang korona

PAGBAWI ng korona ang isinaad ng promoter sa laban sa pagitan nina AJ Banal at Thai pug Pungluang Sor Singyu para sa bakanteng World Boxing Organization bantamweight crown.

“He (Sor Singyu) is a technical fighter that can either brawl or box. AJ is a versatile fighter too so it can be an interesting fight. The guy (Sor Singyu) has an impressive record and fought more times than AJ. It depends as to who wants it more,” ayon sa ALA promotions.

Ang 23-anyos na si Banal ay may record na 27-1-1, 20 knockouts at hindi pa natalo buhat nang palasapin ng 10th round knockout loss si Rafael Concepcion, limang taon na ang nakaraan.

Sa kabila ng pagiging 24-anyos lang, si Sor Singyu ay isang beterano sa boksing at may rekord na 41-1 at 26 knockouts. Ang tanging talo sa split decision kontra Stephane Jamoye noong 2009.

Sa sandaling matuloy ang laban, idaraos ito sa Set. 22 o 29 sa Smart Araneta Coliseum o sa bagong SM MOA Arena. Subalit ang Thai counterparts sa kabilang banda ay nais itong idaos sa Set. 21 sa Thailand.

Matapos na mabigo na makuha ang world title sa kanyang unang tangka, gutom ngayon si Banal para muling maghari sa ilang taon niyang paghihintay.

“AJ is very excited and focused. He has been waiting for years for this opportunity after the loss against Concepcion last July 2008. It’s been four long years of waiting.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply