Bandidong pumugot sa ulo ng Kano, tiklo sa Zamboanga

NAARESTO ng awtoridad sa Western Mindanao ang lider ng Abu Sayyaf group na inginungusong dumukot at pumugot sa ulo ng Amerikanong si Guillermo Sobero noong 2001.

Sa ulat ng PNP Region 9, ang suspect na si Alawie Pasihul, na kilala rin na si Ustadz Asman, ay nadakip nitong nakaraang Sabado sa downtown ng Zamboanga City sa bisa ng isang arrest warrant sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng police at military personnel.

Idinadawit din si Pasihul sa pagdukot sa may 51 katao kabilang ang mga kabataang mag-aaraL, public school teachers at isang pari sa Sumisip, Basilan at sa Cabatangan siege sa Zamboanga City noong 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply