Bangka ng Pinoy lubog sa Chinese vessel

PATAY ang isang mangingisda habang apat na iba pa ang nawawala bukod sa tatlong nailigtas ng mga kapwa mangingisda matapos na salpukin ng isa umanong Chinese vessel ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.

Sa report na tinangap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) banding alas una ng madaling araw ng Hunyo 20, 2012 ay binanga ng isang umanoy Chinese vessel ang f/v  “AXL John”   habang pumapalaot ito.

Narito ang listahan ng mga nawawalang mangingisda:

1. Fred Celino
2. Arnold Garcia
3. Domy delos santos
4. Amante Resonable

Nailigtas naman ng awtoridad ang apat na ibang pang mangingisda na sina: Edimio Balmores; Herman Balmores; Celino Damian at isang Christopher alays “Udo.”

Dinala na sa Gabriela Silang General Hospital ang mga nasagip na biktima sa Vigan City.

Sa report na tinaggap ni NDRRMC Executive Director Bgen Benito Ramos sa pamamagitan ng cellular phone call mula kay PO SIO Balmores, operator ng nasabing  fishing vessel, na bandong hapon ng June 20 ay sinalpok sila ng umanoy chinese vessel habang naka ankorahe sa “payaw”  (fish cage) dahilan upang mawasak ang kanilang bangka at lumubog ito.

Agad na itinakbo sa Magsingal District Hospital ang apat na mangingisda subalit kinailangan ilipat ang mga ito sa Gabriela Silang General Hospital  for medical attention.

Subalit napag-alaman kahapon na nasawi rin ang isa sa mga nasagip na kinilalang sa pangalang Christopher Balmores.

“Yung alias christopher po sir ang namatay. Kinukuha pa po ng PDRRMC Ilocos Sur  ang complete name sir’” ayon sa radio message

Kaugnay nito, tumanggi ang pamahalaan na kumpirmahin na Chinese fishing vessel nga ang sumalpok sa bangka ng mga pinoy fisherman.

Ayon kay Ramos baka nasabi lamang ng mga mangingsida na mga Intsik kasi hindi nila kamukha.

“E hindi mo naman kamukha yung bumangga e, mukhang intsik hehehe, hindi natin alam kung baka ito baka Taiwan, o magkamukha kasi ang Taiwan at saka yung kwan yung China at saka… (intentional ba o aksidente) yan ang hindi natin alam baka, e malakas kasi ang alon kasi yan, storm surge, (maalon) oo maalon yan, maalon, hindi natin alam, mahirap magsabi ng intentional dahil it has a diplomatic repercussion, hindi masabi na intentional, di nagkagyera na tayo sa intsik” ani Ramos.

Lumalabas na intentional ang pagkakasalpok sa bangka ng mga Pinoy dahil hindi man lamang umano sila tinulungan ng naka-bangga at sa halip ay mga kapwa mangingsida ang sumaklolo.

”Hindi, kaya nakakaduda e bakit kung accidental yan di tinulungan sana nila,, e dalawang araw pa na narecover sila ng kapwa fishers na Filipino, tinitingnan natin yan 20 sila narecover e dalawang araw (apparently intentional  kasi hindi sila tinulungan) oo apparently ganun but there is no proof dahil kung nabunggo mo yan, e protocol yan e, tulungan mo, e bakit di mo tinulungan mo,” ani Ramos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply