Bangkay na walang ulo napulot sa Kyusi

WALANG ulo nang matagpuan ang bangkay ng isang binatilyo sa North Fairview, Quezon City kagabi (Hunyo 6).

Bukod sa nawawala ang ulo ng biktimang si Jesson Amon, 19-anyos, residente ng North Fairview, Q.C. ay nawawala rin ang dalawang paa nito at mga daliri sa kamay.

Sa pamamagitan naman ng peklat na hugis krus sa kaliwang balikat, nakilala ang biktima ng kanyang kamag-anak habang nakalagak ang bangkay nito sa punenarya.

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU, nadiskubre ng isang residente sa lugar ang bangkay dakong 6:30 kagabi sa loob ng isang open manhole sa kanto ng Fermont at Bronx sts., sa North Fairview.

Walang makapagsabi kung sino ang nagsiksik sa bangkay ni Amon pero hinihinalang isinakay ito sa isang van bago ipinarada sa tabi ng open mahole at saka ito inihulog doon para ikubli ang krimen.

May suspek na ang CIDU, kung sino ang may kagagawan ng krimen at ito ay ang sinasabing nakaaway ni Amon noong nakaraang taon at anomang oras ay iimbitahan ito para isailiam sa interogasyon.

Ayon sa mga kamag-anak, tinangkang patayin ng suspek ang aso ni Amon matapos kagatin ng hayop ang isang kamag-anak ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply