Bangkay ng bebot lumutang sa ilog

LUMUTANG sa ilog ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa Caloocan City kagabi (Huwebes, Mayo 31).

Inilarawan lang ang biktima na nakasuot ng pulang t-shirt at checkered na shorts.

Sa ulat, dakong alas-6:00 kagabi nang makitang lulutang-lutang ang biktima sa Tullahan River sa GSIS Village, Talipapa ng lungsod ng basurerong si Alvin De Leon.

Ipinaalam ni De Leon ang nakita sa mga pulis at nang respondehan ay nakitaan ng mga galos sa noo at tuhod ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan at dahilan ng pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply