DH na namatay sa HK iuuwi na sa Pinas

NAKATAKDA nang umuwi sa Pilipinas ang bangkay ng Ilongga Domestic Helper na natgpuang patay sa Hong Kong ng kanyang employer.

Inaasahang darating sa June 28 o 29 ang mga labi ni Gemma Gran Operio, 37-anyos sa kanilang lalawigan sa Brgy. Maya, Balasan, Iloilo.

Isinailalim na sa autopsiaya ang bangkay ng biktima at lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pumutok ang ugat sa ulo nito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, isang Pinay DH sa Hong Kong ang inakusahan naman ng kanyang employer na nagnakaw ng cellphone matapos manlaban sa kanya dahil sa hindi magandang pagtrato.

Nabatid na isang guro sa Capiz ang naturang Pinay na inakusahan ng kanyang amo.
Itinakda sa Hulyo 11 ang unang pagdinig sa pagitan ng dalawa sa Labor Department sa naturang bansa.

Kaugnay nito, nakatakdang magpadala ng legal assitance ang Department of Foreign Affairs (DFA) para matulungan ang naturang DH.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply