Bangkay ng kelot napulot sa Maynila

MAY dalawang tama ng bala sa mukha nang matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakahandusay sa kalye sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Natagpuan naman ang isang postal ID card na nakapangalan sa isang Michael Dabalos na may address na Barangay Capoocan, Brgy. Cabe-ulan, Leyte, may apat na metro ang layo sa bangkay.

Masusi pang inaalam kung sa biktima ang nakuhang identification card, at binubusisi pa ang tunay nitong pagkakakilanlan.

Nakalagak na ngayon sa Saint Yvan Funeral Morgue ang bangkay para sa kaukulang awtopsiya.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 25 hanggang 35 anyos; may taas na‘5’3 hanggang 5’5; nakasuot ng kulay berde na may kulay gray na curdoroy na shortpants at naka sandong kulay asul.

Batay sa isinumiting ulat ni Det. Benito Cabatbat, kay P/Sr.Insp.Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong 8:30 ng umaga, nang madiskubre ng isang scavenger ang biktima na naliligo sa sariling dugo sa Road 10 sa Bongavilla St., sa pagitan ng Moriones at Zaragosa St., sa Tondo.

Agad niya itong ipinagbigay-alam sa dalawang miyembro ng Crime Watch sa lugar na sina Disdado Dado, 55 at si Jose Fenuela, 64-anyos kapwa taga-Blk 6 Old Baseco Compound sa Port Area.

Hinala ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang ito sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply