Banking industry at ang impeachment ni Corona

MARAMI akong natanggap na reaksyon sa isinulat ko tungkol sa kaha de yero. Nagtatanong sila kung ano-ano raw ang mga style ng pagtago ng yaman ng mga politiko at public official.

Mas mainam na ang mga taga-banking industry ang sumagot diyan. Pero sinong bangko ang aamin na may tagong yaman ang kliyenteng public official, hangga’t hindi pumipirma ng waiver ito o kaya nama’y may batas na inaalis sa “protection ng bank secrecy law” ang mga public official?

Pinakasimple ang huwag ilagay sa bangko ang pera. At yan ang ayaw ng mga bangko, ang mawalan sila ng depositor.

At mapanganib din sa mga public official na sa kaha de yero, ilalim ng kama o kaya sa baul lamang ilagay ang pera.
Baka manakawan sila. Alam naman natin na “galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw.”

So, pag nagdeposito sa bangko, ano ang pwedeng gawin para ‘di kailangang ideklara sa SALN o put in another way, hindi ma-trace sa kanya. Gumamit ng alias o ibang pangalan.

Naalala n’yo ba ang Jose Pidal account? Ang Jose Velarde account? Gumamit ng pangalan ng tunay na tao na mapagkakatiwalaan. O kaya ideposito sa ibang bansa na istrikto ang bank secrecy law tulad sa Virgin Islands.

Marami pang style at kapag nalaman ko po ito sa mga kaibigan kong bangkero na kliyente ang mga public official ay ilalathala po natin ito. Hindi para pamarisan kundi para magsilbing babala sa taumbayan.

Napatalsik si Corona sa Korte Suprema pero hindi ibig sabihin na ang mga umusig at nanghusga sa kanya ay malinis at walang bahid. Nagkataon lang na si Corona ang kalaban at dapat sampulan.

Pero para sa taumbayan hindi matatapos kay Corona ang laban sa katiwalian. Hindi dapat “SELECTIVE PROSECUTION” ang pairalin.

May epekto ba ito sa banking industry? Malalaman po natin kapag may malalaking withdrawal o kahina-hinalang “movement” ng mga bank account. Maaga pa para malaman natin o baka naman hindi na dahil ang mga may itinatago ay maagap at naayos na nila ang kanilang mga deposito sa bangko.

On a positive note naman, kailangan nating konsultahin ang mga taga-banking industry kung sakaling aamyendahan ang AMLC Law at Bank Secrecy Law. Ano ang limitasyon ng pagiging “secret” at ano ang basehan para maibulgar ang mga bank account?

Ano rin ang dapat maisabatas para hindi maabuso o magamit sa pagtago ng yaman ang banko. Although napakahirap niyan dahil hindi naman tinatanong ng bangko kung nakaw o hindi ang perang nakadeposito.

Natapos man ang paglilitis kay Corona, hindi pa rin tapos ang epekto nito sa maraming anggulo ng ating lipunan. Isa na nga ang banking industry. Ano naman kaya sa pulitika, judiciary, at iba pa. Higit sa lahat, epekto sa taong bayan. Malalaman din natin yan sa mga sususnod na kabanata ng ating buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply