Banking industry, matatag – Palasyo

NANANATILING matatag ang banking industry ng bansa kaya’t walang dahilan para mangamba ang publiko na maglagak ng puhunan sa mga bangko.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mahigpit ang pagre-regulate ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga bangko at maling sabihin na malala na ang problema sa banking industry dahil lamang sa pagsasara ng ilang bangko.

Tugon ito ng Malakanyang sa naging pangamba ng publiko at mga depositor ng bangko bunsod ng ulat ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na umaabot na sa halos 40 bangko ang nagsara mula pa noong 2011.

Sa ulat ng PDIC, umabot sa 29 na bangko ang nagsara noong 2011 at 10 naman ngayong taon kung saan pinakahuli ang Export Bank.

“Banks are strictly regulated by the BSP. These closures should not be taken as indicative of the state of our country’s banking industry, which is stable by all indicators,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply