Bansa nakahanda sa pananalasa ni ‘Butchoy’ – Malakanyang

HANDA nang tapatan ng pamahalaan at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang napipintong pananalasa ng bagyong Butchoy sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng Pagasa, bumagal pero lumakas pa ang bagyo at inaasahan ang malakas na pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na naging maagap ang Pagasa sa pagbibigay babala sa publiko at maayos na naipapamahagi sa mga apektadong residente.

Sa katunayan nga, aniya, ay naka-preposition na rin ang assets ng DSWD regional offices at mga LGUs para makaresponde sa pangangailangan ng mga masalanta ng kalamidad.

Bukod dito, patuloy din ang kanilang monitoring lalo sa bahagi ng Mindanao na nakakaranas ng pagbaha.

Tiniyak nito na sapat naman ang P12 million standby fund na gagamitin para sa mga relief goods at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan at sa gagawing rescue operations kung sakali.

“Well, we have seen that they have been preparing ahead of time. The warnings have been given, have been thoroughly disseminated. From what we understand, the regional and the field offices of DSWD, the local DRRMCs as well as the teams of DOH; ‘yong for clearing… road clearing po natin, ‘yong DPWH, naka-preposition na po sila and we are expecting… I can give you the figures on how much standby funds we have for each particular region. But the teams have been activated. There are… We are monitoring several areas. There’s one in Bukidnon. There’s also several areas in (Region) IV-A. So dalawa po ‘yong ongoing situations: first, it’s because of the low pressure area which affected Sarangani, GenSan, and other provinces in ARMM and ‘yong papasok po na tropical storm. But all the agencies have been alerted and have been on standby already,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply