Bantang hihiwalayan ng GF, kelot nagbigti

NAGBIGTI ang isang 27-anyos na tricycle driver matapos magbanta ang kalive-in partner na kakalas na sa kanilang relasyon kamakalawa ng gabi sa Las Pinas City.

Patay na si John David nang madiskubre ni Theodorer, kapatid ng biktima, sa loob ng kanilang tirahan sa Blk 4 Lot 25 Pound St., Veraville 3 Manuela Subdivision, Pamplona 3, pasado alas-7 ng gabi. Nakapulupot sa leeg ng biktima ang isang kawad ng kuryente habang itinali naman ang kabilang dulo ng kawad sa pasimano malapit sa hagdanan.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Ernesto Bautista ng Criminal Investigation Unit ng Las Pinas Police, walang bakas ng karahasan na naganap sa loob ng bahay ng biktima at wala ring iba pang tinamong sugat o pinsala sa katawan ang nasawi maliban sa marka ng kawad ng kuryenteng itinali sa kanyang leeg na palatandaan ng kanyang pagpapatiwakal.

Sa pahayag ni Theodore sa pulisya, huli niyang nakita ang kapatid dakong alas-6 ng gabi nang bumili ng alak sa tindahang malapit sa kanila. Idinaan umano sa pag-inom ng alak ng biktima ang sama ng loob sa pag-aaway nila ng kanyang kalive-in na itinago sa pangalang Joy noong Miyerkules ng umaga sa hindi pa malamang dahilan.

Sa gitna umano ng mainitang pag-aaway ng dalawa, nagbanta ang babae na makikipagkalas na siya sa kinakasama at tatapusin na ang kanilang relasyon na labis na dinamdam umano ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply