Barangay official niratrat, tigbak

NAMATAY ang isang barangay official makaraang ratratin ng hindi nakilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang anak sa kanilang karinderya sa Champaca Street, Maligaya Park Subdivision, Novaliches, Caloocan kagabi (Hunyo 20).

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo si Tommy Sta. Maria, chairman ng Bantay Barangay at team leader ng barangay at peace action team, na sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Narekober naman sa pinangyarihan ang tatlong basyo ng .9mm na baril.

Base sa pahayag ng anak ng biktima, nakatatanggap na sila ng pagbabanta noon pa sa buhay ng kanyang ama ngunit binalewala lamang nila ito.

Posibleng may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo ng pamamaslang kung saan marami na umano itong napapahuling mga holdaper sa naturang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply