Barko sumabog sa Sulu: 6 sugatan

NAGTAMO ng sunog sa katawan ang anim na crew ng isang barko makaraang sumabog at magkasunog ang bahagi nito sa gitna ng karagatang sakop ng Jolo, Sulu kahapon.

Nabatid na nagtamo ng third degree burn ang mga naturang crew makaraang mag-spark ang generator ng barko sa hindi pa batid na dahilan.

Ayon sa tagapamahala ng M/L Nursiba na si Lajid Alwidal, sinubukan pa umano nilang apulahin ang apoy ngunit bigla itong sumabog.

Nagmula ang barko sa Jolo na pabalik na sana sa Sitangkai, Tawi-Tawi.

Ayon sa ulat, tanging ang mga biktima ang pasahero ng naturang barko na nagawang tumalon na alamang sa dagat at masuwerteng nailigtas ng mga mangingisda.

Agad silang isinugod sa Zamboanga City para magpagamot.

Walang ibang pasahero ang barko dahil ginagamit lamang ito para mangisda at magdala ng produkto galing Tawi-Tawi papuntang Jolo, Sulu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply