Basic commodities hihigpitan sa customs

HINDI na biro ang talamak na palusutan sa Bureau of Customs (BOC) kaya’t doble-doble na ang ginagawang paghihigpit ni Commisioner Ruffy Biazon.
Ito ang hindi maitatangging katotohanan matapos syang magpalabas ng kautusan na lahat dapat ng papasok na bigas, coconut oil, bakal at pro-duktong petrolyo ay kailangang may clearance muna buhat sa kanyang opisina.
Nakita ni Biazon na ang pagdaan sa kanyang tanggapan ng lahat ng naturang produkto ay isa sa paraan para masawata ang maling pagdedek-lara ng mga ito  na syang dahilan ng pagbagsak ng koleksyon ng kanyang ahensya.
Maging ang kanyang mga examiner, appraiser at district collector lalo’t higit ang mga tiwali ay masisira na rin ang negosyo dahil hindi na ito makadidiskarte sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga smuggler dahil mismong ang Office of the Commisioner (OCOM) na ang bubusisi sa lahat ng kargamentong darating sa bansa.
Ginawa ni Biazon ang naturang hakbang upang matulungan ang mga lokal na magsasaka na pinababagsak ng pagpasok ng murang agricultural products dahil sa hindi ito nagbabayad ng tamang buwis.
Solidong pagtutulungan ang solusyon ni Biazon sa problema ng smuggling sa bansa kaya’t patuloy ang kanyang panawagan sa lahat ng sektor lalo’t higit ang mga nasasagasaan ng mga smuggler at tiwali niyang tauhan na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan upang masawata ang talamak na palusutan sa Aduana.
Maging ang mga tauhan ng OCOM na magsusuri sa lahat ng kargamento ay matyagang pinili ni Biazon upang hindi siya mapaikutan ng mga ito lalo’t malaking pera at mabibigat ang kumikilos na sindikato sa Aduana.
Ilang mga magsasaka ng palay at niyog ang nauna nang umiyak sa Customs dahil bumabagsak na ang kanilang pinagkakakitaan dahil mas mura ang pumapasok na bigas at cooking oil sa bansa
Maging ang pagpasok ng bakal at mga produktong galing rito ay kasama sa mga nangangailangan ng clearance buhat sa OCOM dahil malaki naman ang  nawawalang kita sa gobyerno kapag ito ay napalulusot sa pamamagitan ng maling pagdedeklara nito.
All out ang campaign kay Biazon ng mga sindikatong nasasagasaan niya sa kanyang matuwid na kampanya sa Customs kaya’t todo rin naman ang kanyang ginagawang kampanya para labanan ang mga ito.
Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito,maari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com o mag text sa 09336363310.
Pitiful Enog, who else will follow his fate?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply