‘Bath salt’ drug nakakaapekto sa utak ng tao

NAALARMA ang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA) sa posibleng pagpupuslit o pagpapasok sa loob ng bansa ng bath salt drug, isang uri ng droga na matindi ang epekto sa utak ng isang tao.

Ayon kay PDEA Public Information Office Chief Evangeline Almenario, naalarma, aniya, ang tanggapan ni Dir.Gen. Jose Gutierrez Jr matapos kumalat ang balita sa ibat-ibang internet site ang naging epekto sa isang tao matapos makakain bath salt sa bansang Amerika

Ani Almenario, agad na silang nagsagawa ng laboratory testing sa ilang mga bath salts na mabibili sa lokal na merkado subalit lahat nama’y nag-negatibo sa sangkap na Mephedrone

Ani Almenario, bukod sa hallucination makakaranas din ng paranoia, chest pain at malalagay sa matinding suicidal tendency ang taong gagamit nito kaya’t malaki ang posibilidad na makagawa sila ng karumal-dumal na krimen

Dito sa bansa, hindi pa kasama sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot ang Mephedrone, kayat isusulong na ngayon ng PDEA para mapag-aralan ng Dangerous Drugs Board o DDB na ito’y makabilang sa hanay ng mga ilegal na droga..

Ang bath salt, ay isang uri ng pulbos na kadalasang ginagamit ng mga dermatologists na pampaputi sa balat ng tao na nakikita rin gamit sa malalaking hotel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply