Battery of Lawyers ni Amalia Fuentes galing lang lahat sa PAO?

HOW true? Kaya raw malakas ang loob ni Amalia Fuentes na magsampa ng kaliwa’t-kanang libel cases kay tita Annabelle Rama ay dahil pro bono lang lahat ang mga abogado ng beteranang aktres na galing diumano lahat sa PAO’s office na pinamumunuan ng darling of the Press na si PAO Chief Atty. Persida Acosta.

We have nothing againt PAO lawyers dahil magagaling rin naman sila. Ang sa amin lang, parang hindi naman bagay sa mayaman at donyang katulad ni Ms. Amalia na kumuha ng libreng abogado dahil sa kanyang status, ang dapat sa kanya ay sa isang bigtime law firm siya nag-hire ng set of lawyers na magtatanggol sa kanya sa korte.

Kung ang sinampahan nga niya ng kasong libel rin na si Bianca Gonzales ay kilalang magaling na abogado ang kasa-kasamang umapir sa korte, siya pa na milyonaryang naturingan ang hindi makaa-afford na mag-pay ng de kampanilyang lawyer? Well, kanya-kanya tayo ng diskarte sa mundong ito at sabi nga ni Eugene Domingo ay walang ba-sagan ng trip. So, kung ‘yan ang gusto ni Ms. Fuentes, so be it. Pero huwag niyang sisihin ang kanyang idinemandang si Tita Annabelle kung hindi man lang ito nag-aalala o napi-freak-out sa mga asuntong kinahakarap nito latlely courtesy of Ms. Fuentes.

Kasi nga, alam rin naman ni Bisaya na wala ring mangyayari sa mga kaso at wala siyang gagawin kundi mag-bail lang. And for Ms. Amalia and Nadia Montenegro’s awareness, wala na pong kulong sa libel. Kayo rin, baka hingalin kayong dalawa sa pagod sa kabalik-balik n’yo sa court. I’m telling the truth lang, gyud!

***

Boy Abunda at Kris Aquino tandem sa ‘The Buzz’ walang katulad!

NOT this Sunday pa ang alis ng Asia’s King of Talk na si Kuya Boy Abunda para samahan ang kanyang loving Mom na si Nanay Lecing patungong Germany at sumailalim sa stem cell health process. Ayon pa sa trusted personal assistant ni Kuya Boy na si kapatid na Philip Garcia (na habulin ng mga bagets dahil makatas at sariwa.. Hahahahaha!), sa June 24 pa ang flight ng kanyang good samaritan Boss. Ibig sabihin, live n’yo pa ring mapanonood bukas ang hinahangaan ninyo at binigyan ng parangal sa Asian TV Awards para sa kanyang mala-Hollywood na reality talk show sa ABS-CBN 2 na The Bottomline, si Kuya Boy with his pretty and talented co-hosts Toni Gonzaga and Charlene Gonzales. Manood talaga kayo dahil makakasama niya si Ms. si Kris Aquino.

Honestly, walang katulad at makatatalo sa tandem ng dalawang ito sa husay at galing nilang magsasalita on cam, ganon na rin sa pagha-handle sa kanilang mga interviews with their celebrity guests. Bagay na bagay nga kina kuya Boy at Kris ang mga title nilang King of Talk at Queen of All Media.

Ito ang sikreto ng The Buzz kung bakit may “staying power” ang show. kasi nga, maliban sa galing ng mga hosts ay napananatili nila ang kanilang kredibilidad na napaka-importante para sa mga manonood. Kita nyo naman, bawat episode ng The Buzz, trending talaga worldwide at headline kinabukasan sa mga leading tabloids and broad- sheets. Mamaya, marami silang mga bagong pasabog kasama na ang mga exlusive stories and interviews na rito lang ninyo mapanonood. Kaya para in na in ka, pagkatapos ng LUV U, sabay-sabay tayong tumutok sa The Buzz sa Kapamilya network.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply