Bawas-pasahe muling iginiit ng ALAM

MULING iginiit  ng Alab ng Mamahayag (ALAM) ang pisong bawas-pasahe matapos muling ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang isang bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo s autos ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, dakong alas-12:01 Sabado ng madaling araw, unang tinapyasan ng Shell, Unioil, Seaoil at Flying V ng P1.50 ang presyo ng kada litro ng diesel, unleaded at premium gasoline, habang P2 naman sa regular gasoline at kerosene.

Mas malaki naman ang bawas-presyo ng Caltex na may P2.05 rollback sa gasolina at P1.90 sa diesel, habang P2.50 naman ang tinapyas ng Petron kada litro ng regular gasoline, P2.10 sa kerosene, premium at unleaded gasoline at P1.90 sa diesel.

Alas-9:00 naman Sabado, naging epektibo ang bawas-presyo ng FilOil na may P1.50 rollback sa diesel, premium at unleaded gasoline at P2.00 sa kerosene, at dakong alas-12:00 ng tanghali, humabol pa ng dagdag na rollback ang Shell ng P0.55 bawas-presyo sa gasolina, P0.40 sa diesel, P0.10 sa kerosene at P0.50 sa regular gasoline.

Ani Yap, kung tutuusin nga ay dapat na P2 na ang ibaba ng minimum fare dahil sobra-sobra na sa hinihiling ng mga driver ang ibinigay sa kanilang rollback.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply