Baybayin ng Milagros, Masbate positibo sa red tide

POSITIBO na rin sa red tide toxin ang coastal waters ng Milagros, Masbate, ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH).

Batay sa Shellfish Bulletin No. 15 na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipinadala sa DOH, binabalaan ang publiko laban sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish na magmumula sa nasabing lugar dahil ito’y makakasama sa kalusugan.

“All types of shellfish and Acetes sp. or Alamang  gathered from the said areas are NOT SAFE for human consumption,” nakasaad pa sa bulletin.

Nilinaw naman ng DOH na sa kabila nito ay maaari pa ring kainin ang mga isda, hipon, pusit at alimango na mahuhuli sa nasabing coastal waters.

Gayunman, payo ng DOH, dapat lamang na tiyaking sariwa ang mga ito, natanggalan ng hasang at bituka at nalinisang mabuti bago lutuin at tuluyang kainin.

Bukod sa Milagros, Masbate, nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Matarinao Bay sa Eastern Samar, at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.

Nauna rito, idineklara na ng BFAR na ligtas na sa red tide ang coastal waters na Bataan sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply