Bea Binene, Barbie Forteza kulang sa bonding dahil parehong busy

PARA kay Bea Binene, close naman sila ni Barbie Forteza. Kaya lang, kulang lang silang dalawa ng bonding dahil pareho silang busy sa kani-kanilang career. Maaaring sa pagsasama nilang dalawa sa “Luna Blanca” magaganap ang tunay na bonding moments sa dalawa. Lalabas silang dalawa bilang teenager na sina Luna at Blanca. Si Bea si Luna at si Blanca si Barbie.

Sa sobrang busy nina Bea at Barbie ngayon, halos sa set lang nila napag-aaralan ang kani-kanilang script. Paano pa sila magkakaroon ng mahabang tsikahan?

Si Barbie, bukod sa Tween Hearts at Alice Bungisngis, regular ding mapanonood sa Party Pilipinas tuwing Sunday at weekend naman sa Good News kung saan kasama niya si Vicky Morales. Isa itong public affairs program na mapanonood sa GMA News TV Channel 11.

Si Barbie naman ay may Tween Hearts, Tweets for My Sweet na partner ni Elmo Magalona at Party Pilipinas tuwing Sunday.

Bukod pa rito, sina Bea at Barbie ay parehong 14 years old lang, ‘di puedeng basta-basta payagan ng kani-kanilang magulang na lumabas para gumimik dahil sobrang bata pa silang dalawa sa ganitong aspeto.

Ngayong Sunday ay muling mapanonood sina Bea at Barbie sa Tween Hearts. Mas exciting ang mga pangyayari dahil nalalapit na ang pagtatapos ng Sunday soap na tumagal ng almost two years sa ere. Ang Final episode ay pinamagatang: Friends Forever.

000

Tandem nina Marian at Sheena tamang-tama ang chemistry sa ‘Tweets for My Sweet’

KAPAG pinanonood namin ang episode ng Tweets for My Sweet tuwing Sunday night, tuwang-tuwa na kami kapag nagbabatuhan na ng lines sina Marian Rivera at Sheena Halili.

Opposite kasi ang karakter nilang dalawa. Si Marian ay si Marian sa tunay na karakter niya sa totoo lang na isang matulungin, matalino at tuso rin sa kanyang mga desisyon. May pagkapalaban siya rito at kapatid niya si Barbie Forteza na kulang naman sa kamuwangan sa mundo dahil teenager pa lang.

Si Sheena ay balikbayan mula sa America. Pumunta sa Pilipinas na wala lang. Gustong mag-adventure. Pumasok sa cafe na kasamahan ni Marian.

Super arte ni Sheena na ibang-iba kay Marian na simple at down to earth pagdating sa buhay pero may puso naman dahil mapagmahal sa kapatid at mga kaibigan.

Ang comedy show ay pinangungunahin din nina Roderick Paulate at Nova Villa, at sa direction ni Uro dela Cruz.

000

HINDI bumitaw sa pagko-cover ng live ng impeachment trial ang TV5. Marami ang nakagusto sa coverage ng NEWS5 (news and information division ng TV5) dahil na-handle ng maayos ng mga anchor nito ang impeachment. Mismong ang hepe ng NEWS5 na si Ms. Luchi Cruz-Valdes ang nanguna sa paghahatid ng CJ Corona: Ang Paglilitis, ang special coverage ng NEWS5 na napanood sa TV5 at Aksyon TV, napakinggan sa Radyo Singko 92.3 News FM at na-access sa online portal na InterAksyon.com. Kasama ni Ms. Luchi ang batikang mamamahayag na si Twink Macaraig (dating anchor ng ANC) at ang resident legal analyst ng TV5 na si Atty. Mel Sta. Maria.

Napakahusay magpaliwanag ni Atty. Mel ng mga pangyayari sa trial kaya naman miski ang mga ordinaryong Pilipino na hindi gaanong nakakaalam ng batas ay madaling naiintindihan ang masalimoot na proseso ng impeachment. No wonder click sa mga listeners ang tambalan ni Ms. Luchi at Atty. Mel sa programang Relasyon ng Radyo Singko. Napaka-epektibo ng pagsagot ng dalawa sa mga idinudulog na problema ng mga tagapakinig nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply