Bea Binene ‘di marunong magreklamo sa kanyang mga trabaho

IKINATUTUWA ng GMA Artist Center ang kasipagan ni Bea Binene pagdating sa kanyang trabaho. ‘Di marunong tumanggi ang dalagitang produkto ng StarStruck Kids walong taon na ang nakalilipas.

Sapul na mapasama siyang finalist ng StarStruck Kids, nagkasunud-sunod na ang kanyang projects at kabilang dito ang mahabang stay niya bilang child star host ng Lovely Day.

Dahil sa Lovely Day ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makarating sa iba’t ibang lugar sa Asia, kabilang dito ang Hong Kong, Macao at Beijing.

Nahasa si Bea sa Lovely Day bilang host. Naging ambisyon niya magpahanggang ngayon ang maging TV reporter. Pero ang ambisyong ito ay kinakain na ng hilig niya sa pag-arte. Kumakain ng maraming oras ang pagti-taping niya ng sunud-sunod na soap opera na siya ang bida, kabilang dito ang Pahiram ng Isang Ina, na first team up nila ni Jake Vargas, na nasundan ng Tween Hearts at Alice Bungisngis na pawang sila ang magkatambal.

Nagsimula ang team up nina Bea nang mapasama siya sa soap na First Time na bale launching ng love team nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Bale second lead lang dito ang Bea at Jake tandem.

Ang pagpasok ni Bea at Barbie Forteza bilang teenager na Luna at Bianca sa Luna Blanca ay marami nang nag-aabang. Lalabas ang dalawa bilang teenager na Luna at Blanca respectively.

Ginagampanan ngayon nina Jillian Ward at Mona Louise Rey ang Luna at Blanca sa soap.

Si Bea ay walang tanggi na magpaitim ng buong katawan bilang si Luna. Mali ang naunang napabalita na siya’y nagrereklamo sa role dahil paiitimin siya. Para kay Bea, kung nagagawa ng ibang artista na paitimin o papangitin sa kanilang mga papel sa soap, bakit naman ‘di niya magagawa?

Balitang bandang July pa magsisimulang magtaping si Bea kaya naman hindi niya inaaksaya ang mga oras niya sa pag-aasikaso ng kanyang mga fans. Tulad last Wednesday night, na-meet niya ang kanyang fan na nagbalik-bayan, si Diane na isang call center agent sa Abu Dhabi. Kasama si Diane bilang member ng Jhabea Irises Globies. Aba, si Diane pa ang nag-blowout kay Bea at sa mga kasama niya sa David Tea House sa Morato Circle sa Quezon City.

Kabilang sa fans niyang dumating bukod kay Diane ay sina Monique, Liberty, Jane, Camille, Jhenny, Lhene at Anabelle. Ang Jhabea Irises Globies ang masipag na nag-o-organize ng fans day kay Bea.

Sabi ni Diane, malakas ang Pinoy Tv sa Abu Dhabi kaya madalas niyang napapanood ang mga programang kasama si Bea na tulad ng Alice Bungisngis. Inaabangan na niya ang paglabas ni Bea sa Luna Blanca.

000

Richard Gutierrez, pupunta ng Kalinga sa Pinoy Adventure

SA PINOY Adventures na hosted by Richard Gutierrez, pupuntahan niya sa North ang kinikilalang ecotourism discovery destination, ang probinsiya ng Kalinga!

Sa pag-akyat ni Richard sa bulubundukin ng Cordillera, makakatikim ng masarap na salubong si Richard Gutierrez mula sa mga tagarito. Isang panciteria ang kanyang dadayuhin para matikman ang pansit batil patung—ang Tuguegarao version ng stir fried noodles na ginagamitan ng karne ng kalabaw! Pero bago siya kumain, niyaya siya ng may-ari na magluto. Papasa nga kaya ang kanyang timpla sa mga taga-Tuguegarao?

Makikilala rin ng Pinoy Adventures si Lakay Appad na nag-alay para sa kanila ng sariwang baboy sa kinikilalang diyos ng mga katutubo na si Kabunian.

Matutunghayan rin ngayong Linggo ang hagdang-hagdang palayan ng Rice Terraces, ang matandang sibilisasyon rito, ang iba’t ibang mga tribo na singkulay ng bahaghari ang kasaysayan.

000

IBA’T IBANG talents ang natunghayan ng mga mentors sa Protégé: The Battle of the Big Artista Break. Sa South, may napansin si Phillip Salvador sa katauhan ng isang babaing contestant nang ihayag niya ang kanyang emosyon na naghahanap sa kanyang nawawalang ama.

Si Jolina naman ay nagulat sa rami ng nag-audition sa Cebu na karamihan ay galing pang Davao at Zamboanga, pilit na humahabol para makapag audition kay Jolina Magdangal.

May audition pa rin sa June 16 sa SM Pampanga at sa SM Mall of Asia sa June 18 at 19 naman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply