Bea Binene shocked sa sugar daddy issue!

DALAWANG taon pa lang si Bea Binene ay naibili na siya ng kanyang businessman father ng sariling condo sa may Morayta St. Sampaloc, Manila. Gusto nitong magkaroon ng preparasyon si Bea sa pagtungtong ng kolehiyo na mag-aaral sa UST o saan mang university na naisin nitong pasukin within the vicinity of Sampaloc, ang University Belt ng Manila.

Dahil high school pa lang ngayon si Bea, ginagawa na lang niyang pahingahan ang condo kapag wala siyang taping o shooting. Bukod pa rito, nang sumikat at maging bida sa sunud-sunod na soap opera ang batang aktres sa GMA7, nakabili rin siya ng bagong condominium sa may Greenhills area. Tatlong taon na niya itong hinuhulugan at ngayo’y malapit na niyang tirahan.

Ganon na lang ang sama ng loob ni Bea at ng kanyang ina sa mga lumabas sa tabloid na pilit na inili-link ang kanyang pangalan kay Attorney Topacio, ang lawyer ni dating President Gloria Macapagal Arroyo.

Galit na galit ang mag-ina sa lumabas na ito na diumano’y ibinili ng abugado ng condo si Bea gayong sa totoo lang ay sariling pera na bunga ng pagpapakapagod nito at walang habas na pagtatrabaho ang ibinili sa property.

Anyway, dahil magkakasunod na ang labas ng ganitong mga malisyosong issue kay Bea, kinakausap na nila ang kanilang personal lawyer (Female) para gawan ng tamang aksiyon ang malisyosong issue na ito.

Ikinagulat ni Mommy Carina na si Bea ay menor de edad pa lang, in fact 14 palang, pero ginagawan na ng ganitong issue.

Ika nga, di niya kailangan ang donor ng isang condo dahil kaya na niyang bumili dahil masipag siyang magtrabaho. Di umaangal sa sunud-sunod na taping, bukod sa may kakayahan ang kanyang ama na bumili ng anumang kanyang naisin.

000

BUMILI ng sariling helicopter si Manny Pacquiao para magamit sa Sarangani ng mga kababayan sa panahon ng kalamidad. Gumastos siya ng milyones buhat sa kinita niya sa huling laban kay Timothy Bradley para makabili nito. Awang-awa si Manny sa mga tinamaan ng baha sa kanilang lugar kaya naisipan niyang bumili ng helicopter para sa kanilang rescue operations.

As always, bongga ang reception sa kanyang Manny sa Manny Many Prizez na napanonood sa GMA7 tuwing araw ng Sabado!

Still on Manny Many Prizes, nagli-level up na rin ang Pacquiaone, Pacquiaowin! Abangan ang ilang pagbabago sa pagsalang ng isang lucky vendor sa Finding Manny!

As always, buhos ang saya tuwing makikipagkulitan kay Ninong sina Rhian at Bianca sa Easy Manny.

Kay Ninong Manny pa rin, isang bata naman ang sumulat sa segment Dear Ninong. Siya’y si Ruth Cabugayan, 7 years old at nakatira sa Paranaque.

Kung karamihan ng mga batang ka-edad niya ay nakapayong tuwing papasok ng eskwelahan, si Ruth ay nakapayong habang gumagawa ng mga takdang-aralin sa loob ng kanilang bahay. Alamin ang buong kwento ni Ruth at ang mga sorpresang inihanda sa kanila ni Ninong Manny.

Limang homeviewers din ang may pagkakataong manalo ng instant P10,000 kung sila’y tututok at magtetext! Nakaabang pa rin, as always, ang isang milyong pisong jackpot ni Ninong sa Easy Manny.

Siksik talaga sa mga regalo at premyo tuwing Sabado ang Manny Many Prizes, kasama siyempre ang pambansang Ninong ng Pilipinas pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply