Bebot binigti ng ka-live-in, todas

BINIGTI hanggang sa mapatay at itinapon pa ang bangkay ng isang bebot ng kanyang ka-live-in sa Caloocan City kahapon ng umaga (Hunyo 18).

Patay na nang makita si Ferilyn Caligdong, 29 ng Miramonte Heights, Barangay 180 ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa pangalang Rocky Motas, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:10 ng umaga, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis na may bangkay ng babae sa kahabaan ng Macabud St., Brgy. 179.

Pinuntahan ng mga awtoridad ang nasabing lugar at nang malaman ang pangalan ng biktima ay agad na tinungo ang bahay nito.

Sa pahayag ng mga pinsan ng biktima na sina Rose at Raquel, sa hindi pa batid na dahilan ay nagtalo ang mag-ka-live-in sa loob ng kanilang bahay hanggang sa bigtihin ng suspek ang biktima gamit ang panyo.

Anila, hindi sila kumibo nang buhatin ng suspek ang biktima dahil inakalang dadalhin lamang ang pinsan sa ospital. Nagulat na lamang sila nang malaman na itinapon pala ang bangkay ng biktima sa ibang lugar.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagtatalo ng mag-live-in.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply