Bebot na nawawala, bangkay na ng matagpuan sa Manila Bay

PALAISIPAN sa mga operatiba ng Manila Police District ang bangkay ng babae na nagtagpuang palutang lutang sa Manila Bay, matapos mapabalita na nawawala ito kasama ang isang pulis Maynila , may 3 araw na ang nakakalipas, sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Isang alyas  “Bangenge”, nasa edad na 40 – 45-anyos, kayumanggi at payat ang pangangatawan, ang natagpuan sa karagatan na sakop ng Navotas City, kamakalawa na may tama ng mga bala sa katawan.

Batay sa ulat na natanggap mula sa Northern Police District-Navotas Police Statio, na isinumiti kay P/Sr., Insp. Joselito De Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section , dakong 10:20 ng gabi ,nang matagpuan ang biktima sa seashore ng Davila st., Brgy. Navotas West, Navotas City.

Una nang napaulat na nawawala si  SPO2 Teofilo Panlilio, 54, nakatalaga sa MPD-District Headquarters Security Unit (DHSU) na huli umanong nakita sa Isla Puting Bato, Tondo.

Ilang araw ang nakalipas ay natagpuan ang babaeng biktima na mayroong mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan maging sa maselang parte ng katawan nito ay mayroong tama ng bala.

Ang sinasabing pulis na kasama nito na unang iniulat na nawawala ay hindi pa rin natatagpuan at patuloy pa rin na pinaghahanap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply