Bebot pisak sa rumaragasang truck

TODAS ang isang bebot matapos itong mabundol ng rumaragasang heavy truck habang ang una ay tumatawid sa Rizal Avenue Extension, 2nd Ave. Caloocan City June 22.

Dead on spot sa pinangyarihan si Irish Jane Mariano, y. Marquez, 16. ng 2953 Orani St., Tondo Maynila sanhi ng pagkabok at pagkabasag ng bungo.

Arestado naman ang driver na si Edgar Barcelona y. Pacquing.43, ng Tambacan St., R-4 Maypajo, Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong alas 9:00 ng gabi ng maganap ang aksidente sa kahabaan ng Rizal Ave., Extension sa nasabing lungsod.

Tinatahak ng suspek sakay ng kanyang Isuzu Porward Dropside na may plakang UPU-561 pero hindi nito napansin ang patawid na biktima na agad nahagip ng kaliwang bahagi ng kanyang sasakyan.

Tumilapon ng ilang metro si Irish na tumama ang kanyang ulo sa semento na naging sanhi ng pagkabasag ng bungo at agad na ikinamatay nito.

Pormal ng ipinagharap ng kasong reckless imprudence thru homicide si Barcelona sa piskalya ng Caloocan City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply