Beckham matanda na, ‘di pinaglaro sa Olympics

MATINDING pagkadismaya ang ipinahayag ng 37-year-old  football superstar na si former England football team captain David Beckham matapos siyang hindi paglaruin sa 2012 London Olympics dahil sa matanda na ito o overage na.

Subalit, sinabi naman nito na kahit hindi siya pinayagang makapaglaro ay handa naman siya na suportahan ang English football team sa pagsabak nito sa Olympics.

Matatandaang na sa invitational game sa pagitan ng LA Galaxy at Philippine Azkals kung saan nagpakitang gilas si Beckham, sinabi ni national coach Stuart Pearce na mukhang malabong makalaro si Beckham sa London Olympics dahil sa “age issue.”

Pero para Beckham, mananatili umano ang tiwala nito sa kanyang mga kababayan at buo pa rin umano ang suporta nito sa kanilang team.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply