Beki na Cavite mayor at jueteng ni Mendoza

NANGANGANIB masibak si QCPD Dir. Mario dela Vega dahil sa iligal na sugal na hindi niya kayang ipatigil sa Kyusi.

Bistado na kasi, parekoy, ang kabulastugang nagaganap sa Novaliches kung saan ang “jueteng” na dating pinatatakbo ni Gary ay inagaw ni alyas Mendoza.

Putok din ang balita na ang isang Jing ahas na isa ring pulis ang nagkakalat na ang “jueteng king” ngayon sa Novaliches at ang hepe ng Stn. 4 (may sakop sa Nova) na si Supt. Crisos-omo Mendoza ay iisa!

Katunayan, parekoy, nagbabanta pa nga itong si Jing ahas na ang kubrador o kabo na hindi magre-remit sa kanila ay ipatutumba umano ni Mendoza!

Tsk, tsk, tsk, ganyan kagarapal ang labanan ng iligal na sugal dyan sa Novaliches!

Kaya natin nasabing nanganganib masibak si QCPD Dir. Mar dela Vega ay dahil nakasaad sa “one strike policy” na ang bawat hepe ng istasyon na mahuhulihan na may iligal na sugal ay agad na sisibakin.

At ang District Director naman na may nasibak na dalawang hepe dahil sa iligal na sugal ay sisibakin na rin!

Ang tanong, sino naman ang isa pang hepe ng QCPD na may iligal na sugal rin sa kanyang AOR?

Silipin mo, Gen. Dela Vega ang Stn. 7 na nakasasakop sa pasugalan nina Joel at Alex sa West Point at Pinatubo, Cubao!

Beki si mayor

Nagrereklamo ang mga residente sa isang lugar sa lalawigan ng Cavite hinggil sa kanilang meyor na bakla!

Maliban sa pabago-bago ang desisyon nito na akala mo ay tunay na babae at direktang nakaaapekto sa serbisyo-publiko ay napakaraming “magagandang lalaki” ang dinaraanan ng desisyon bago maging pinal ang salita ng nasabing meyor!

Kung bakit naman sa halip na mga proyekto ang padamihin ni meyor ay batambatang magagandang lalaki ang kanyang iniipon.

Naku naman yorme, baka ikaw pa ang maging pasimuno ng pagkalat ng AIDS dyan sa Cavite! Hak, hak, hak!

Magbago ka na po hangga’t hindi pa huli ang lahat!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply