Benepisyo ng solo parent pasado na sa Kamara

IPINASA na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo at diskuwento sa mga tinaguriang solo parents.

Sa ilalim ng consolidated house bill nina Reps. Bernadette Herrera-Dy ng Bagong Henerasyon Partylist at  Gloria Macapagal-Arroyo ng Pampanga, bibigyan ng tulong ng gobyerno ang mga solo parents na ang kabiyak ay disable o physically incapacitated.

Ang mga solo parents o nag-iisang tumatayong magulang ay bibigyan din ng identification cards ng gobyerno para entitled ito sa 10 porsiyentong diskuwento sa damit at iba pang kagamitan ng kaniyang mga anak.

Kabilang din sa mga benepisyo ng mga solo parents ang 15 porsiyentong diskuwento sa mga produkto gaya ng gatas, food supplements, gamot at iba pang medical supplies na kakailanganin ng kaniyang anak na limang taong gulang pababa.

Nakapaloob din dito na kailangang magtatag ng isang inter-agency coordinating and monitoring committee para ma-monitor kung nasusunod ang mga itinatakda ng batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply