Benjamin Alves, ipinakilala na bilang bagong heartthrob ng GMA!

IPINAKILALA na sa GMA7 program na Showbiz Central ang pinakabagong heartthrob ng Kapuso Network na si Benjamin Alves. Pamangkin siya ng aktor na si Piolo Pascual na laking Guam. Graduate sa kolehiyo na may degree na AB English. Magna cumlaude siya nang grumadweyt.

Nasa high school pa lang si BJ, palayaw ng kanyang mga magulang sa actor, ay hilig na niyang umarte kaya kasama siya sa drama guild ng kanilang school. Minabuti ni BJ na magtapos muna ng kolehiyo bago sumabak sa showbiz. Payo kasi ito ng kanyang lolo at lola dahil mataas ang kanyang scholastic records.

Nang ma-interview ni Jennylyn Mercado si Benjamin, nasabi ng baguhang artista na hilig niya talaga ang pag-arte. Type niyang babae ang kasing ganda at sexy ni Jen pero hindi raw n’ya priority ang magkarelasyon agad sa showbiz. At any rate, nagkaroon na raw siya ng girlfriend noong highs chool pa lang.

Magkakasama sina Lovi Poe, Jen at Benjamin sa isang sexy-drama movie sa Regal Films.

Bale tatlo ang movies na naka-sched kay Benjamin ngayong taon. May sisimulan pa siyang soap sa August sa GMA7. Si Direk Maryo J. delos Reyes ang nag-workshop kay Benjamin dahil contract star na siya ngayon ng Artist Center at co-manager si Jonas Gaffud.

*******

BIBO talaga ang bida ng Luna Blanca na si Jillian Ward bilang si Luna. Lahat ng tanong na ibinibigay nina Ogie Alcasid at Michael V sa programang “Pare and Pare!” ay buong tapang na sinasagot ng bata. Nagugulat tuloy ang dalawang comedian hosts sa kanyang katabilan.

Bukod pa rito, hindi nawawalan ng energy si Jillian habang sumasagot ay malikot pa rin siya. Typical na bata kasi. Cute pa dahil super ganda niya.

Sa Luna Blanca, pinaitim si Jillian pero walang pakialam ang bata sa kanyang kaanyuan. Kung kinakailangan niyang umiyak o masampal, wala siyang angal.

Tinuturing kasi siyang anak ng engkanto ng kanyang mother sa Luna Blanca na si Camille Prats.

Mas nakasasabik ang mga eksena ng Luna Blanca dahil nagkita na ang tunay na mag-ama na sina Blanca, na role ni Mona Louise Rey, at ng lumalabas na ama niya sa soap na si Raymart Santiago.

*******

NAGSALITA na ang management ng TV5 hinggil sa incident na nangyari sa showbiz oriented talk show nilang Paparazzi last Saturday na kung saan nag-resign ang host nitong si Ruffa Gutierrez.

‘Di kasi nagustuhan nito ang mga tanong sa mga nakaraang love life niya na itinaon pa sa kanyang kaarawan.

Sabi ng TV5 management, gagawa raw sila ng appropriate action para imbestigahan kung sino ang may sala sa ganitong pangyayari.

About Thor

4 Comments

  1. BJ

    June 28, 2012 at 12:07 am

    OMG! Benjamin Alves is totally hot! He’s got the looks of Akihiro Sato, Sid Lucero, and JM de Guzman combined. I wish he is also gay like his uncle.

  2. emilio Magtangol

    June 28, 2012 at 1:37 am

    lokasta ka BJ blow job ka pati. anak ka ya ni ferminitang gurangngis no. pakawala ka ng matronikdemonik na yan., e ano kung gay basta cute at magaling na artista paki mo ingitera. ka .

  3. NONA IGUALDAD

    June 28, 2012 at 8:53 am

  4. BJ

    June 28, 2012 at 4:36 pm

    Shunga ka lang Emilio Magtangol ‘te?! Bet ko nga na gay sya para pumatol din sya sa mga beks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>