Bentahan ng mga bangkay sa Maynila dapat i-monitor

MARAMI na ang nagrereklamo sa puneraryang ubod nang mahal kung maningil at daig pa ang mga first class na punerarya sa Araneta Avenue at ubod din ng dumi.

Ang nasabing mga punerarya na namamayagpag sa Maynila at Quezon City ay close open dahil ginagamit daw ng may-ari nito si Manila Mayor Alfredo Lim at ilang opisyal ng kapulisan.

Mahusay rin daw na makipag-cashunduan sa mga tiwaling opisyal ng City Hall at sa mga pulis ang may-ari ng Funerarya Cruz na si Rody Cruz.

Sa reklamong nakarating sa Lily’s Files, ang nasabing nasabing punerarya na nasa Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila ay sobra umano kung ma-kapaningil sa pamilya ng mga namatayan.

Sinasabing daig pa ng mga ito ang presyo ng Arlington, Funeraria Paz, Loyola at Sanctuarium na bagama’t mahal ay maganda naman ang serbisyo dahil pangmayaman. Pero paano naman ang mahihirap tulad ng kargador, driver ng jeep at mason na namatay na sinisingil ng mga punerarya ni Rody Cruz ng mula P60,000 hanggang P100,000?

Bukod sa ginto kung maningil ang mga puneraryang ito ay napakarumi rin daw at mismong doktor na nakatalaga sa Medico Legal ang nagbigay ng impormasyon sa Lily’s Files at sinasabi rin ng doktor na ang morgue ng Funeraria Cruz ay  patong-patong ang mga bangkay na walang pamilya .

Nabatid din ng inyong lingkod na mismong ang ilang opisyal ng Camp Crame Medico Legal ay galit na galit dahil sila ang nabubuntunan ng sisi bunga ng pagdadahilan ng mga taga-Punerarya Cruz, St. Yvan at maging ng St. Rafael, na pawang pag-aari ng anak ni Rody na si  Rocel sa QC, na Scene of the Crime Operatives o kilala bilang SOCO ang dahilan kung bakit matagal bago maiayos ang patay at mahal ang kanilang singil.
Hindi lang makapiyok ang mga opisyal dahil laging ginagamit ng nasabing mga punerarya na pag-aari ng Cruz ang kanilang koneksyon kay Mayor Alfredo Lim. Ipinagyayabang kasi ni Rody Cruz at mga anak ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ng alkalde noong nakaraang eleksyon.

Maliban pa rito, nasusuhulan umano nila ang mga nasa health department ng Maynila na nakasasakop sa kanilang morgue na nasa mataong lugar o bahayan sa Severino Reyes St. sa Maynila.

Maraming reklamo ang mga residente sa kinaroroonan ng kanilang morgue dahil delikado ito sa kalusugan ng mga mamamayan subalit hindi ito pinapansin ng mga kinauukulan dahil nga sa koneksyon nila sa barangay pa lang.

Nabigyan nga ng permit ang lumang morgue ng punerarya Cruz ng bagong gawang  district health department na nakasasakop dito dahil na rin sa lagayan system sa pamahalaan.

Hindi naniniwala ang Lily’s File na alam  ni Mayor Lim ang paggamit sa kanyang pangalan ng nasabing punerarya dahil ilang beses na rin naman niyang iniutos na ipasara ang nasabing punerarya pero dahil pinalulusutan si Mayor Lim ng mga nakapaligid sa kanya ay close-open ang nasabing punerarya na inirereklamo dahil sa sobrang paninigil at panggigipit sa mahihirap na kliyente.

Dapat na sigurong  i-monitor ni Mayor Lim ang mga  iligal na gawain ng nasabing punerarya lalo na ang umano’y bentahan ng mga bangkay sa mga medical school sa Maynila, Cebu at Gen. Santos.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong mga reklamo, suggestions at kumento,  mag text lang po sa  0915-5683000  at  0908-7230036  o kaya ay mag email lang sa …lpr_2012@yahoo.com…

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply