Bentahan ng softdrinks pinalilimitahan

UPANG mapigilan ang paglobo ng matataba o obese, gayundin ang sakit na diabetes, lilimitahan na ang pagbebenta ng mga softdrink at iba pang inumin na matamis.

Isinulong ito ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo sa inihaing House Bill 6341 o ang “Soda Regulation Act of 2012.”

Ani Gunigundo, mayroong ugnayan ang pag-inom ng sofdrink sa timbang ng katawan dahil lumalabas din sa pag-aaral na bawat dagdag na pag-inom ng soda ay may panganib na 1.6 ulit (times) na magdudulot ng obesity.

Sa kasalukuyan aniya, ang obesity ang isa sa pangunahing banta sa mga Filipino at magdudulot ng patuloy na pagtaas ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, hypertension and diabetes mellitus.

“A botte of regular 8-ounce soda is loaded with 5 heaping tablespoon of sugar and a can of soda contains about 10 teaspoons of sugar, much higher than the recommended intake of an adult a day with 6 teaspoonful, while kids should consume normally 3 teaspoonds of sugar” sinabi ni Gunigundo.

Maging ang mga manufacturer ng softdrinks ay inaatasan sa panukala na maglagay ng factual contents at nutritional claims sa lalagyan o container ng kanilang mga produkto bukod pa dito ang mandatory labeling na may malinaw na nakasulat na “DRINKING SODA CAUSES OBESITY AND DIABETES.”

Inaasahan naman ng mambabatas na magla-lobby ang mga soda manufacturer upang pigilan ang panukala subalit hindi umano papayagan ng Kamara na maging bansa ng mga overweight ang Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply