BFAR: Fishing ban sa Scarborough aalisin na

AALISIN na ang fishing ban sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal sa susunod na buwan

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Asis Perez, ili-lift na nila ang fishing ban sa Panatag Shoal sa Hulyo 15 dahil wala naman itong kinalaman sa territorial dispute sa pagitan ng China at Pilipinas.

Matatandaang ipinatupad noong Mayo ang fishing ban sa Scarborough Shoal upang maprotektahan ang marine resources maging ang mga mangingisdang Pilipino.

Iginit ng BFAR na walang kaugnayan sa muling umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea ang mas maagang pagbawi sa ipinatupad na fishing ban sa area.

Sinabi ni Perez na  noon pang Pebrero nila binawi ang 13 mga fishing ban na ipinatupad sa iba’t ibang panig ng bansa at tanging ang bahagi na lamang ng Scarborough Shoal ang nanatili.

Muli ring ipinaliwanag ng opisyal na layunin lamang ng moratorium ay para sa proteksyon ng mga yamang-dagat at conservation ng fishery resources.

Inanunsyo naman ni Dir. Perez na kanila ng papayagan ang mga kababayan na mangisda sa lugar simula July 15.

Maging ang China ay una na ring nagpatupad ng kanilang summer fishing ban sa pinag-aagawang teritoryo subalit mismong ang Chinese Foreign Ministry ang nagpaliwanag na bagama’t may ban, ito umano ay limitado lamang at nagpapatuloy pa rin ang aktibidad ng mga ito sa nasabing bahagi ng karagatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply