BI ininguso ang mga tiwaling opisyal sa IACAT

MISMONG ang Bureau of Immigration (BI) ang nagbigay sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng mga pangalan ng mga immigration officer na sangkot sa pagpupuslit ng mga Pilipinong nagtrabaho sa bansang Syria.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr., na ang kanilang tanggapan ang nagbigay ng mga pangalan ng mga immigration officer (IO) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ginawa ni David ang pahayag kasunod ng ibinulgar ni Vice President Jejomar Binay na may kabuuang 25 immigration officers ang nakatakdang kasuhan ng IACAT dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa operasyon ng human trafficking sa bansa.

Sa pahayag kamakailan ni Binay, sinabi nito na hihingan ng paliwanag ng Department of Justice ang 14 na immigration officers kung bakit hindi sila dapat kasuhan sa pagpuslit ng mga walang dokumentong overseas Filipino workers (OFWs) patungong Syria.

Bukod sa 14 na tauhan ng BI na nakatalaga sa NAIA, 11 pang immigration officers ang nakatakda rin bigyan ng show-cause order ng DOJ dahil din sa kaparehong paratang.

Ayon pa kay David, ang BI-Anti Fraud Section ang sumuri sa pasaporte ng mga overseas Filipino worker (FW) mula sa Syria at nagbigay ng katibayan na ang orihinal ang departure immigration stamps sa pasaporte ng mga OFW.

Tiniyak pa ng dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi ito makikialam sa isasagawang imbestigasyon ng DOJ.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply