Bianca King ‘di takot iwan ni Dennis Trillo

KINUKUMBINSI ni Bianca King ang lalaking pinaka-close sa kanyang si Dennis Trillo na subukang magbalik school para kumuha ng special course sa photography. Napansin kasi nitong may talent ang actor sa photography.

Kahit sa cellphone photo shoot ni Dennis, nagagawa niya itong maganda at malinaw na parang gawa na ng professional photog. Katwiran ni Bianca, lalo pang gaganda ang kuhang larawan ni Dennis kapag siya’y may formal lessons sa photography.

Tulad ni Bianca, nag-aral siya sa kolehiyo ng filmmaking na tinapos niya ng pitong taon sa College of St. Benilde. Ngayo’y pinaghahandaan niya ang pag-aaral ng formal education sa kursong cinematography na kukunin niya sa Los Angeles, California.

Balak ni Bianca na mag-aral next year ng photography kapag maluwag na ang showbiz schedule niya. Ilang buwan lang naman ang itatagal niya sa Los Angeles.

Sa ngayon ay busy siya sa bagong soap niyang Luna Blanca. Di pa naman siya agad magti-taping rito dahil July pa ang sched ng kanilang taping. Tatlong generation kasi ang istorya nito. Ang mga batang bida na lalabas sa simula ay sina Jillian Ward at Mona Louise Ray. Pagdating ng teen years naman ay papasok na sina Bea Binene at Barbie Forteza at pang-finale naman sina Bianca King at Heart Evangelista.

Nagsimula na last May 21, ang Luna Blanca bilang kapalit ng Biritera na nagtatapos na two Fridays ago.

000

SPEAKING of Bea Binene, may bagong achievement award siyang natanggap via 32nd Huwarang Ina award. May bagong award na natanggap si Bea, ang Most Outstanding Female Teleserye Artist.

Samantalang ang leading man niya sa Alice Bungisngis at Tween Hearts na si Jake Vargas ay ginawaran din ng award na Most Outstanding Male Teleserye Artist.

Sa pagtatatapos ni Bea ng taping ng Alice Bungisngis, magsisimula naman siya sa taping ng Luna Blanca. First time siyang lalabas na negra sa soap. Paiitimin siya nang husto. Magiging kakambal niya si Barbie Forteza.

Bago magtaping ng bagong soap, gusto munang mag-enjoy at mag-relax si Bea na kasama ang kanyang  kapatid at magulang, pati na rin ang mga close friends niya.

Di natuloy si Bea sa Hong Kong last Holy Week dahil di agad sila nakakuha ng bookings ng eroplano at hotel ro- on, minabuti na lang niyang mag-stay sa Batangas para mag-relax.

Ngayong break niya sa taping, sisikapin niyang mag-relax muna bago simulan ang bagong trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply