Bianca King muling iiwan si Dennis Trillo

SASAMANTALAHIN ni Bianca King ang pagbabakasyon sa Toronto, Canada, para bisitahin ang kanyang parents doon. Aalis siya this week na nag-iisa dahil walang Dennis Trillo na sasamahan siya sa paglalakbay. Busy kasi sa kanyang schedule si Dennis kaya ‘di makasasama kay Bianca.

Mahaba-haba ang bakasyon ni Bianca pagkatapos ng taping ng “Broken Vow.” Matagal pa siyang papasok bilang si Luna sa Luna Blanca. Lalabas siyang adult Luna sa soap.

Ngayong July pa lang lalabas ang mga teenagers na sina Bea Binene bilang Luna at si Barbie Forteza bilang Blanca.

Pero bago masimulan ni Bianca ang taping ng Luna Blanca, maaaring makapagsimula na siya ng shooting ng movie na “Conio Problem” na entry ng GMA Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2012.

Inamin nang pareho nina Bianca at Dennis na pareho silang malapit sa isa’t isa sa ngayon kaya very supportive ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawang hakbang sa kanilang career.

Samantala, bago umalis si Bianca papuntang Canada, nakapag-taping pa siya ng ilang episodes ng  Bubble Gang.

Ngayong Friday ay kasama niyang paunahin sina Chariz Solomon at Vaness del Moral. Aabangang gags ang tungkol sa Dragon. Aabangan namang portion ang Che Che Bureche, Bumigay sa Tingin at Mr. Asimo.

000

Artista Academy ng TV5 dinumog ng aspiring contestants

NASA Kapatid Network na ngayon si Marvin Agustin. In fact isa siya sa hosts ng reality talent search ng TV5, ang Artista Academy. Last Tuesday, June 19, isa si Marvin sa nakasaksi sa more than 10,000 applicants na pumila sa Smart Araneta Coliseum para ma-discover bilang next star ng TV5.

Marami ang naengganyong sumali sa Artista Academy dahil sa malaking premyo. Imagine, a total of P20 million worth of prizes ang maiuuwi ng mananalong contestant. Balitang isang lalaki at babae ang pipiliin ngayong taon bilang produkto ng Artista Academy. Ang mananalong contestant ay magiging contract star ng TV5 at ibi-build up ng network para maging big star.

Hindi mga artista ang magti-train sa mapipiling potential stars, bagkus ang makakasama sa finalist ay mag-aaral sa school of performing arts ni Ms. Wilma Galvante. Tuturuan sila rito ng lahat ng aspeto ng pagiging artista. ‘Di lang acting, may singing, dancing at hosting pa.

Samantala, isa pang cohost sa Artista Academy na binigyan ng big welcome last Sunday ay si Cesar Montano, isa nang certified Kapatid star si Cesar ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply