Biazon idolo ng ASEAN Customs chief

HANGA ang mga pinuno ng Customs sa ipinakitang all out campaign ni Customs Commissioner Ruffy Biazon laban sa mga smuggler sa Aduana.

Sa pagsaludong ginawa kay Biazon ng 10 pinuno ng Customs sa ASEAN na dumalo sa 21st Meeting of Customs Director General na ginawa sa Pasay City, malinaw na gagayahin nila ang taktika at style ni Biazon sa pagpapatino ng BOC.

Bilib sila sa tapang ng ating Bureu of Customs (BOC) chief dahil wala itong sinasanto at kinatatakutan maging ito man ay malalaking player na siyang nagpapahirap at nagpapabagsak sa collection ng Aduana.

Maging ang taktikang ginamit ni Biazon sa kanyang paglilinis at pagtutuwid sa Bureau of Customs (BOC) ay tinanong ng ilang ASEAN Customs chief dahil ito raw ay kanilang gagamitin sa kanilang bansa.

Sa nagkakaisang pahayag ng mga Customs chief ng mga bansang Singapore, Thailand, Malaysia, Vietnam, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Lao PDR at Myanmar sa katatapos pa lamang na asembliya at pagpupulong ng mga Customs Director General na ginanap sa Marriot Hotel Resorts World, Pasay City, walang dudang nasa tamang daan ang tinatahak ni Biazon lalo’t higit ang pagpaparaan ng permit sa kanyang tanggapan dahil ito ang pinakamabisang paraan para ma-monitor niya ang mga kargamentong pumapasok sa kanyang bakuran.

Sa naturang sistema, nakikita ni Biazon kung tama ba ang deklarasyon ng mga ipinapasok na kargamento, maging ang tax na ibinabayad nito.

Si Biazon na siyang nahalal bilang pinuno ng mga Customs chief sa rehiyon ngayon 2012 ay may adhikaing payabungin ang komunikasyon ng bansa sa mga miyembro ng ASEAN Customs chief dahil malaki ang papel na gagampanan nito upang magkaroon ng constant monitoring sa lahat ng mga papalabas at papasok na kargamento.

Layunin din ni Biazon na magkaroon ng nagkakaisang polisiya at galaw ang mga Customs chief sa ASEAN gaya ng pagkakaroon ng isang sistema ng transaction sa Aduana, isang common cargo highway sa ASEAN at magkaroon ng listahan at ugnayan sa mga donor country.

Maging ang mga Customs chief na hindi kasapi ng ASEAN ay inimbitahan rin sa naturang pagtitipon gaya ng Japan, China at Korea para maging kabahagi rin sa naturang pagpaplano.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang secretary general ng mga Customs chief sa mundo na si Kunio Mikuriya, mga kinatawan ng Asian Development Bank at kinatawan buhat sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

‘Ýan ang mga kaganapan ngayon sa Aduana at ito’y nakamit lamang ng bansa sa pamumuno ni Biazon na may angking malasakit sa bansa kagaya ni PNoy.

###

Sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maari kayong mag-email sa barangayan-ni_isko @yahoo.com o mag-text sa 09336363310.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply