Bicol, Cotabato niyanig ng lindol

NAKARANAS ng 4.2 magnitude  na lindol ang ilang bahagi ng Bicol Region ngayong gabi lamang.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong 8:26 kanina.

Natukoy ang epicenter sa 34 kilometro sa timog silangan ng Virac, Catanduanes na may  lalim na 95 kilometro.

Samantala, nilindol din ang Cotabato City ng 5.1 magnitude.

Naramdaman ito ganap na alas-9:31 ng gabi.

Natukoy ang sentro ng pagyanig sa 57 kilometro sa timog kanluran ng Cotabato City.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply