Bigcas namaril ng Kano sa Cagayan de Oro

ISA na namang gulo ang pinasok ng suspected big time smuggler na si Lynard Alan Bigcas sa Cagayan de Oro makaraang mamaril ng isang American national.

Kinilala ang biktima na si Michael Turner Allan, 51, ng 09 sa Tiano-Gomez Streets nasabing lalawigan.

Nabatid na nagkainitan sa away trapiko ang dalawa sa Kauswagan Highway dahilan para kumuha si Bigcas ng baril at pinaputukan ang biktima na maswerteng hindi natamaan.

Ito na ang pangalawang kaso ng pamamaril na kinasasangkutan ni Bigcas na ang una ay nangyari noong nakaraang mga buwan kung saan isang abogado ng Davao City ang kanyang nakaalitan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply